“MAHAL KO PA PALA SYA”

Mahal ko pa pala sya..
Pinaka masakit na narinig ko
Mula sa bibig mo
Na parang bagyo at may dalang malakas na alon na rumagasa sa puso ko

Akoy wasak lugmok dito sa sulok
Mga matang gasgas dahil sa walang tigil na pag kaskas
Ng kamay ko dahil sa
Mga luhang walang humpay na pag tagas

Mahal mo pa pala sya
Sambit ng matalas mong dila
Na sumugat ng malalim at nag iwan ng malaking hiwa

Wasak!!!!
Durog!!!
Pinong pino!!!

Ganyan ko ilarawan ang puso kong sabik at uhaw sa pag mamahal pero laging sinusuklian ng pait at kirot

Pinangiti mo ako
Para paiyakin ng sobra
Binuo mo ako
Para sirain ng todo
Binigyan ng pag asa
Para lang paasahin

Isinugal ko ang puso sa gusto mong laro
Pumikit ako dahil sinabi mong ikaw ang gabay ko
Umakyat tayo hanggang sa bintana ng puso mo
Pero sablay, pinahakbang mo ako sa maling butas
Hinulog sa tamis pero bumagsak sa pait

Hindi ko alam na manalo man o matalo
Sakit padin ang kapalit

Hindi ko pinilit pero pinaramdam mo
Puso lang to madaling mag mahal
Wag mong sisihin na nahulog ako agad
Dahil yan sa pag kakatulak mo

Kaya tapos na!!

Tapos na
Walanang dapat pag usapan pa
Mahal mo pa pala sya
Pero bakit ?

Bakit!!
Bakit hindi nalang ako..

“Walang Sumbat Na Maririnig”

Halika sasamahan kita
San mo gusto pumunta?
Halika sasamahan kita
Wag lang pabalik sakanya.

Heto ang panyo
Para sa luha mong nasasayang
Heto ang balikat ko
Pwede mong sandalan kapag iyong kaylangan

Yakapin mo ako ng mahigpit
Gagantihan din kita ng yakap kong walang kasing init
Gawin mo akong daan at pasukin mo ang aking pintuan
Ok lang kahit dika mag paalam kung ikaw ay lilisan
Paki sarado nalang kapag kaya mo na
At sige simulan mo na ulit akong iwan

Wala kang maririnig na sumbat
Lalo na sa puso kong palyado
Gamit na gamit na pero dipa din nag babago
Wala kang maririnig na sumbat
Ganyan ako mag mahal

Dadating ung araw na kaya mo na
Kaya mo na mag isa,
hindi para maging tayong dalawa
Dadating ung araw na ibibigay mo ung kabiyak ng puso mo
Na alam naman nating hindi saakin

Kung ganon wala kapading sumbat na maririnig
Mananatiling naka ngiti at sayoy nakikinig
Matagal ko naman nang alam
Na ung sa unang tulang aking sinulat na inakalang may IKAW at AKO ay ikaw nalang pala at ako nalang

Kaya kung masaya kana at ikaw ay lilisan
Wag kana mag paalam
Masaya din ako na masaya ka
Kaya simulan mo na ngayon ang pag kalimot
sa mga alaala na minsan akong naging parte ng nabiyak mong puso

Binigay ko lahat ng wala kapalit
Okay lang kahit minsan na akong nagipit
Kahit ganon
Wala ka pading sumbat na maririnig..

“Ikaw (kasi) kc”

Kc lahat ng Kc ko ay ikaw,
Oo KC ikaw ang lahat.

Kc feeling ko ang talino ko eh,
Kc nagagamit ko na ung utak ko kakaisip sayo,
Ang kulit mo nga ehh takbo ka ng takbo sa isip ko dika napapagod.
Kc pinalitan mo ung tawa ng tawanan,
Kc ikaw ung dahilan bakit ako nag pupuyat,
Kahit na tulog ka muka akong gagong naka ngiti kakatitig sa maamo mong muka
Kc naalala ko ung gabi na kasama kita “KC”.

Kc simula nung unang gabi na nakasama kita ay para akong nahulog sa isang kumunoy ng saya,
Ayaw ko na lumaban gusto ko nalang malunod
Ayaw ko na umalis Kc ikaw yan ee
Ayaw ko na umahon Kc ikaw
At Ayaw ko na Kc matapos ung gabi.

Nag diwang ung puso at isip ko
Lalo na nung marinig ko ang mala anghel mong tinig
Nakakapanindig balahibo para akong kinuryente ng sampung libong beses

Kung napansin mo halos ayaw ko bitawan ung kamay mo, simula nung dumampi ito sa kamay ko, napaka lambot
At gusto kitang tabihan hanggat hindi pa ako bumababaho
At para kang santo kung punasan kita ng panyo
At paypay dito paypay don
Wala akong inisip ng gabi na yon kung di alagaan ka
At dahil nilasing mo ako sa tuwa
Ayun hanggang sa pag tulog ikaw padin ang aking sinisigaw (BABY KO)

Naisip ko na sana ang gabi ay manatiling gabi at ang oras ay hindi na gumalaw
Sana ung tumamang sibat sa puso ko ay tumama din sayo (kahit daplis lang)
Sana ung Kc ay mag karoon ng K at C
Ako C pero ikaw Kc ehh

Ang gulo pero sobrang saya ko
Inaamin ko na tama ka dahil tumama ka at ayun may “TAMA” C ako
Pero inaaya kita pasukin mo ung puso ko welcome ka kung kelan mo gusto
Para malaman mo na ung madaming Kc (kasi) na lumalabas sa bibig ko ay nag iisang “KC” lamang.

Ikaw kasi (kc) ehh 🙂💙

-para kay KC